Shallow Euphoria

(wow...I just made a blog! a computer-iliterate girl was able to make a blog... isn't it great?) this journal shall mark that start of my new life...of my rebirth...my new thoughts...and beliefs...see me grow...see me conquer my life of forlorn... I shall begin my meaningful journey... (churba...ang corni!:p)

Sunday, March 12, 2006

alam nyo ba kung anong wild dream ko?

sumali sa Bb. Pilipinas...

imposible nga ata.... e kaya nga wild dream eh..

pero...who knows... bka mgawa ko...

i stil have many years to prepare.

height lang naman ang kulang db? and there is CHERIFER anyway...

maganda naman ako db?

feeling...

pero maganda naman talaga ko eh...

at least sa sarili kong point of view...

aba... ang tipo ng hitsura ko ata ung pinapaboran ng mga judges...

authentic... eccentric... unique... morenang morena...

gumaganda naman ako pag may make up diba?

kapal...

kung maganda ko... bkt hindi ko nararamdaman..

kung maganda ko... bkt nakakaramdam ako ng self-pity? insecurity? hatred sa sarili at left-in-the-oblivion-mode?

well... kaya kong i overcome un..

they will see...

kpag natupad ko ung dream na un... siguro ako na ang pinakmaganda at pinakamasayang babae sa mundo!

ang sarap kc ng feeling ng sa sarili mo maganda ka...

pero di rin kc maikakaila na nakakaapekto talaga ang outside forces...

siguro ang ideal environment ay yung kung saan sinusuportahan ka ng mga tao sa paniniwala mo at sa kung anung iniisip mo..

kung lahat ba ng kakilala ko natutuwa at sumusuporta sa pagiging maganda ko... sobrang healthy siguro ng buhay ko ngayon...

but nobody's perfect... and that thing I do know...

so the challenge is for me to dominate my world...

other people's opinions do matter... but i must be able to control it... I must learn to ignore bad remarks if i think these are destroying my plan of being beautiful....

I must learn to love myself a lot... xempre...

sino pa bng magtutulungan kapag wala nang naniniwala seo kundi ikaw at ang sarili mo...

maganda ko...

maganda ko...

kung di ka naniniwala...

bahala ka sa buhay mo...

kung di mo nakikita...

ibig sabihin mababaw ka...

at wala kang ibang maintindihan...

kundi physical existence!

you don't deserve my breaking down and my crying...

dahil maganda ako...

Hidni ko kailangan ng palakpak mo kapag sumali na ko sa Bb. Pilipinas...

kaya kong palakpakan ang sarili ko...

bka un pa magpapanalo sa'kin...

marami akong talent akala mo?

matalino naman ako...

malalim akong tao...

koting pretty face lang yung pinagkait sa'kin...

but I am 99% great... lahat-lahat... 1% lang ung kulang ( un ung kagandahan ng mukha)...

sows... anu ba naman ang 1% na kulang...

sa transmutation table nga ng teachers ang 99 ay equivalent to 100% rin naman...

ibig sabihin.,... MAGANDA TALAGA KO! kahit anung mgyari...

Sasali ako sa Bb. Pilipinas... hintayin nyo...

pagtawanan niyo ko ngayon... pero tutuparin ko ang pangarap ko.... kaya nga Wild Dream ang tawag eh... hindi Impossible Dream db? hehe...

ayos... parang sing taas ng langit ung self-esteem ko ngeon...

I am so proud of myself... becoz I know I am beautiful...

Thursday, March 09, 2006

first time...

wow... isang malaking achievement... si janica brigola nakagawa ng isang blog?! Well, totoo nga, at maraming maraming salamat kay claire! tinulungan nya kong gawin to... claire... thank you so much... kung alam mo lang kung gano ko kailangan ng journal.
I feel so glad to see this pink webpage in front of me... ang sarap pala ng feeling ng nakagagawa ka ng isang bagay na di mo naman nakasanayang gawin ngunit bigla mong natapos nang tama at mahusay! Hmm, masasabi ko kayang hindi na ako huli sa mga classmates ko? my blog na'ko mga tao! Nagbabasa rin kc ako ng mga blog ng iba't ibang pipol.. and nakaaaliw nga naman... kung may magbabasa man nito sooner or later... sana may mapulot kayong magagandang outlook sa buhay... and sana they will get to know me deeper.. kung cno ba tlga ko kpag nagmomonologue o nag-aaside.. kng cno ba tlga itong "malanding" babae sa tingin ng marami..but i think the most significant thing is for me to get to know myself better... (still a part of my preparation for college life!)
Ah basta.... masaya ako ngayon dahil sa blog na ito... Cliare Pascua... thanks tlga!
( i made this poem last august... medyo buang pa ko non... and this was the fruit of my being very sentimental that time... a good part of my past...)



Pucha…


Hindi ko siya mahal dahil hindi ko siya maaaring mahalin.
Hindi ko siya mahal dahil ayokong malayo siya sa akin.
Hindi ko siya mahal dahil iba ang mahal niya.
Hindi ko siya mahal dahil hindi ako maganda.
Hindi ko siya mahal dahil kailangan niya ako.
Hindi ko siya mahal dahil siya ang buhay ko,
At ang umiwas siyang muli dahil sa pagmamahal na’to
… isang malaking katangahan, di bale nang bato..
Hindi ko siya mahal dahil kaibigan ako.
Hindi ko siya mahal dahil ako ang tagapayo.
Hindi ko siya mahal dahil ako’y masasaktan.
Hindi ko siya mahal dahil kahit kailan hindi niya ko magugustuhan.
Hindi ko siya mahal dahil isa siyang malaking biyaya
Hindi ko siya mahal dahil maraming nagmamahal sa kanya
At alam kong sa haba ng pila ako’y malalagpasan niya…
…sapat nang alam ko ang hindi alam ng iba,
ako lamang ang makaiintindi kung sino siyang talaga.
Hindi ko siya mahal ngunit buhay ko siya
Hindi ko siya mahal ngunit ako’y umaasa
Hindi ko siya mahal ngunit nais ko siyang sumaya
Hindi ko siya mahal ngunit nais kong lagi siyang makita
Hindi ko siya mahal ngunit galit ako sa nanakit sa kanya
Hindi ko siya mahal ngunit nasa langit tuwing kasama siya
At di ko kayang makita siyang minsan pang lumuluha…
…Hangad kong siya’y lumigaya kapalit ma’y sarili kong dusa…
Pagkat hindi ko siya mahal wala akong ibang hiling
Kundi makahanap siya ng babaeng tunay siyang mamahalin
At kung dumating ang oras na di niya na’ko kailangan
Handa akong lumisan at di kailanman hahadlang…
Huwag lamang muling lalapit ang kaibigan ko
Muling umiiyak dahil sinaktan mo…
Magkamatayan na! Buhay mo’y magiging impyerno!
Binasag mo ang pinak-iingatan ko..
Alam mo bang ikaw ang buhay ng buhay ko?!
at dahil mas mahal niya ang magandang tulad mo
Hindi ko siya minahal kahit na mahal na mahal ko!
Pucha…
HINDI KO SIYA MAHAL… PERO MAHAL KO!!!